Sen. Sonny Angara pinalaahanan ang Philhealth na magbayad ng utang
Pinagbilinan ni Senator Sonny Angara ang Philhealth na bayaran ang lahat ng kanilang mga obligasyon, partikular na sa mga pribadong ospital.
Kasabay nito ang pagtaas ng subsidiya ng gobyerno sa Philhealth mula P71.3 bilyon ngayon taon ay ginawang P79.9 bilyon sa susunod na taon.
Ayon kay Angara sa kaliwa ng mga kaliwat-kanan na reklamo sa mabagal na pagbabayad ng Philhealth, nararapat lang na madgadagan ang mga subsidiya para matiyak na ang lahat ay may health insurance sa ilalim ng Universal Health Care Law.
“Universal health care is already a problem to fund even before the pandemic, so we should aim to increase that funding over time to cover the entire country,” sabi ng chairman ng Senate Committee on Finance.
Aniya dapat ay pinabibilis ng Philhealth ang pag-proseso sa mga singilin ng mga ospital na umabot sa P20 bilyon.
Una nang nagbanta ang grupo ng mga pribadong ospital na kakalas sa Philhealth dahil sa bagal na pagbabayad sa kanila ng ahensiya.
“This is one big problem and PhilHealth must come out with immediate solutions. Pag nadelay ang bayad maaaring magsara ilan dyan. Pag hindi naman nagsara mas kaunti maseservice na patients. Sana mabigyan ng agarang solusyon ito,” pakiusap ni Angara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.