Pinalawak pa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kanilang online training program sa pamamagitan nang pag-aalok ng mga karagdagang kurso.
Hanggang noong Oktubre, may 114 kurso sa TESDA Online Program (TOP).
Kabilang sa mga bagong kurso ay ang Labor Organization’s (ILO) Job Readiness, English as a Medium of Instruction, Using Educational Technology in the English Language Classroom at Microsoft’s Digital Literacy.
Kasabay nito, maraming Filipino ang nagparehistro sa online program at ang bilang sa ngayon ay 3,443,530.
Simula ng pandemya noong Marso 21 hanggang noong nakaraang buwna may 2,006,923 ang nakarehistro sa TOP.
Noong Hunyo 2020, inilunsad ni TESDA Secretary Isidro Lapeña ang “TESDA Abot Lahat ang OFWs” program na layon naman paghusayin pa ang kakayagan ng OFWs na naapektuhan ng pandemya.
Base sa datos may 163, 750 OFWs at kanilang dependents ang nagparehistro sa TOP mula Marso 2020 hanggang nitong Agosto.