Lagpas 5.20 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,206,265 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 799,138.
Sumunod na rito ang Brazil na may 614,000 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 467,468 naman ang death toll sa India habang 293,614 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 270,292
– Peru – 200,987
– United Kingdom – 144,593
– Indonesia – 143,796
– Italy – 133,537
– Iran – 129,462
– Colombia – 128,343
– France – 118,837
– Argentina – 116,505
– Germany – 101,170
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 260,877,017 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 235,679,163 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.