3-day Bayanihan, Bakunahan suportado ng Globe

November 26, 2021 - 11:07 PM

Inquirer file photo

Sa pagpapalaganap ng mga tamang impormasyon ukol sa benepisyo ng pagpababakuna ng COVID 19 vaccines ang paraan ng Globe para suportahan ang tatlong araw na National Vaccination Program.

Ikakasa ang tatlong araw na Bayanihan, Bakunahan simula sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre  at layon nito na makapagbakuna pa ng karagdagang 15 milyong Filipino.

Sa kasalukuyan, 31% pa lamang ng target population ang nabakunahan na, malayo sa 70% ng kabuuang populasyon ngayong taon.

“We want to reiterate to the public that vaccination is science-based and provided through global medical expert advice. Vaccination plays a vital role in the fight against the pandemic so we want to help stop the proliferation of fake news about the vaccines. Let us verify everything first from reliable sources before believing them,” sabi ni Yoly Crisanto, Chief Sustainability Officer and SVP for Corporate Communications ng Globe.

Pinalalakas ng kompanya ang content at digital engagements na nagsusulong sa COVID-19 vaccination tulad ng paglulunsad sa Panatang Pangkaligtasan video noong nakaraang Nobyembre  24, na sinundan ng #BakunaNow TikTok hashtag challenge mula Nobyembre 27 hanggang 29.

Ang Panatang Pangkaligtasan ay isang modern day oath, na nagtatampok sa bayanihan spirit at ginagamit ito ng Globe para labanan ang fake news at para na rin hikayatin ang lahat na magpabakuna..

Mula sa video ay ang dubbing challenge sa TikTok, kung saan iimbitahan naman ang mga netizen na i-dub ang Panata. Layon nito na makatulong na mapakilos ang mga Filipino na ibahagi ang vaccine-positive content upang malabanan ang fake news sa pagbabakuna.

Ang pagkakasangkot ng Globe sa movement ay nagsimula sa partisipasyon nito sa Ingat Angat Bakuna Lahat coalition ng pribadong sektor.

Magmula noon ay naglabas ito ng dalawang mythbusters videos na direktang tumutugon sa ilang maling paniniwala sa COVID vaccination.

Una nang sinabi ng DOH na ang nakakaambag ang mga fake news sa pangamba at takot sa bakuna at naipapakalat ito sa pamamagitan ng social media at iba pang digital channels.

Isinusulong ng Globe ang responsableng digital citizenship sa pamamagitan ng pag-unawa at masusing pagproseso ng content na nakikita online.

Ito ay partikular na mahalaga sa panahon ng health crisis, kung saan ang tamang pagpapakalat ng impormasyon ay krusyal para matamo ang national recovery.

TAGS: Jan Escosio, Jan Escosio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.