863 na bagong kaso ng COVID-19, napaulat sa Pilipinas

By Angellic Jordan November 26, 2021 - 04:17 PM

Mahigit 800 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (November 26), pumalo na sa 2,830,387 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 17,853 o 0.6 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 863 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

51.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.6 porsyento ang asymptomatic; 21.57 porsyento ang moderate; 14.2 porsyento ang severe habang 6.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 142 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 48,017 o 1.70 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 791 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,764,517 o 97.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases, COVID-19 deaths, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries, DOH COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases, COVID-19 deaths, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries, DOH COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.