Nag-turn over ang Faberco Life Sciences, Inc. noong November 23, 2021, ng unang batch ng Molnupiravir (Molnarz™) sa lungsod ng Maynila, sa seremonya na ginanap sa Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta.
Sa pagtanggap ni Manila Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna, at Doc Willie Ong, ang lungsod ng Maynila ang kauna-unahang Local Government Unit na bumili ng Molnupiravir sa pamamagitan ng Faberco Life Sciences, Inc. Ang Santa Ana Hospital sa pamamagitan ng Compassionate Special Permit (CSP) na inisyu ng Philippine Food and Drug Administration ang recipient / receiving hospital para sa naturang batch of allotment para sa Manila LGU.
Ang Molnupiravir ang kauna-unahang oral antiviral drug na kayang pigilan ang mild to moderate cases ng COVID-19 na lumala at maging malubhang sakit na nangangailangan ng pagpapa-ospital. Iniinom ito bilang pildoras at hindi ini-ineksyon.
Bagaman hindi pa ibibenta sa merkado, ipinamamahagi na ng Faberco Life Sciences, Inc., kasama ang RiteMED, ang Molnupiravir (Molnarz™) sa mga ospital, medical institutions, at treatment sites sa ilalim ng compassionate use kung saan pinapayagan ang mga institusyon na bumili at i-distribute ang produkto na pinag-aaralan pa, o naghihintay na lamang ng approval para sa agarang paggamit sa emergency situations.
Ang Faberco Life Sciences Inc. (FLS), ay isang Philippine biopharmaceutical organization, na nakatutok sa pagbibigay ng makabago, highly niche pharmaceutical products sa public at private health sectors. Ka-partner ng Faberco ang mga respetadong international manufacturers na ang target ay product platforms at therapeutic categories upang malunasan at maiwasan ang mga sakit na public health concern.