Traslacion suspendido sa Enero 9, 2022

Walang gagawing tradisyunal na Traslacion sa Enero 2022.

Ito ay dahil sa patuloy na banta ng pandemya sa COVID-19.

Ayon kay Father Douglas Badong ng Quiapo Church, walang prosisyon ng Poong Nazareno sa Quirino Grandstand sa Manila dahil ginagamit pa ang lugar bilang field hospital para sa mga pasyente na nagpositibo sa COVID-19.

Bagamat walang prosisyon, naghahanda pa rin aniya ang Quiapo Church sa pagdagsa ng mananampalataya.

Ginagawa ang Traslacion tuwing Enero 9.

Matatandaan na noong nakaraang taon, sinuspendi rin ang pagsasagawa ng Traslacion.

 

 

Read more...