Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (November 25), pumalo na sa 2,829,618 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 17,796 o 0.6 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 975 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
52.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.4 porsyento ang asymptomatic; 21.49 porsyento ang moderate; 14.4 porsyento ang severe habang 6.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 193 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 47,875 o 1.69 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 1,029 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,763,947 o 97.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.