Tell it to the marines.
Ito ang unang reaksyion Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa hirit ng China na alisin na ang BRP Sierra Madre ng Pilipinas sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Ayon kay Domagoso, pag-aari ng Pilipinas ang naturang teritoryo at bilang isang Filipino, sinabi nito na hindi dapat na alisin ang Philippine Navy vessel ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
Sabi pa nito, kapag siya ang mapipili na susunod na pangulo ng bansa, hindi niya papayagan ang mga dayuhang barko at ipaaresto ang ilegal na pumasok sa teritoryo ng Pilipinas
Dapat din aniyang malayang makapanghuli ang mga mangingisdang Filipino sa Ayungin Shoal at hindi dapat na pagbawalan ng China.
Dapat aniyang ipadala ng Pilipinas ang lahat ng mga mangingisda pati na ang Philippine Navy, Philippine Coast Guard at iba pang resources sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.