Sen. Francis Pangilinan kontra sa pagtaas ng passport renewal fees sa OFWs

By Jan Escosio November 25, 2021 - 10:31 AM

Hindi sinang-ayunan ni Senator Francis Pangilinan ang pagtaas ng passport renewal fees sa mga overseas Filipino workers, maging sa iba pang Filipino sa Middle East, Europe, Asia at US.

“Ang desisyon ng mga embahada at konsulado natin sa mga nasabing bansa na gumamit nang mga outsourcing companies para mag-proseso ng passport renewal ay dagdag gastos sa mga nahihirapang Filipinos,” sabi ni Pangilinan.

 

Katuwiran niya maraming OFWs at Filipino ang hirap na hirap dahil sa pandemya.

 

Ngayon, ang pagpapa-renew ng Philippine passport ng mga Filipino sa mga nabanggit na bansa ay maaring gawin sa pamamagitan ng pribadong kompaniya na naniningil ng P4,900 hanggang P5.300

 

Nilinaw naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na opsiyonal ang pagkuha sa serbisyo ng mga pribadong kompaniya.

 

Suhestiyon ni Pangilinan pag-aralan ang pagdaragdag na lamang ng mga tauhan sa mga embahada at konsulado para sa pag-proseso ng passport renewals.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.