Inanunsiyo ng World Health Organization (WHO) na nabawasan ng hanggang 40 porsiyento ang insidente ng hawaan dahil sa COVID 19 vaccines.
Kasabay nito ang babala ng WHO sa mga maling paniniwala ukol sa bakuna.
Paalala ni WHO Dir. General Tedros Ghebreyesus, bagamat fully vaccinated kinakailangan pa rin ibayong pag-iingat para hindi mahawa o makahawa kung taglay ang nakakamatay na sakit.
Diin niya, mali ang pag-iisip na kung fully vaccinated ay hindi na tatamaan ng COVID 19.
“We’re concerned about the false sense of security that vaccines have ended the pandemic and people who are vaccinated do not need to take any other precautions,” sabi ni Tedros at dagdag niya; “Vaccines save lives but they do not fully prevent transmission.
Pag-amin naman niya bago ang pagsulpot ng Delta variant, 60 porsiyento ang nabawasan sa kaso ng hawaan ng sakit.
“If you are vaccinated, you have a much lower risk of severe disease and death but you are still at risk of being infected and infecting others, We cannot say this clearly enough: even if you are vaccinated, continue to take precautions to prevent becoming infected yourself, and infecting someone else who could die,” dagdag pa nito.