Pangulong Duterte dadalo sa 13th Asia-Europe Meeting

 

Nakatakdang dumalo si Pangulong Duterte sa  13th Asia-Europe Meeting Summit gayundin ang ilang pinuno sa  Asia at Europe sa pamamagitan ng video conference.

 

Inaasahang magkakaroon ng diskusyon  ang mga lider sa usapin sa multilateralism, growth at sustainable development.

 

Nabatid na ang Cambodia ang chairman ngayoon sa 13th ASEM Summit na may temang “Strengthening Multilateralism for Shared Growth”.

 

Inaasahang magsasalita si Pangulong Duterte sa Nobyembre 26 sa Second Plenary and Retreat Sessions ng Summit at tatalakayin ang “Rebuilding a Resilient Future” pati na ang international at regional issues.

 

Ang ASEM ay isang informal dialogue process na dinadaluhan ng 53 partners mula Europe, Asia,European Union at ASEAN Secretariat na naglalayong palakasin ang kooperasyon ng dalawang rehiyon para sa  mutual respect at equal partnership.

 

Kabilang ang Pilipinas sa mga itinuturing na ‘founding members’ nang itatag ang grupo noong 1996.

Read more...