Ilang parte ng bansa, makararanas pa rin ng mahihinang pag-ulan

DOST PAGASA Facebook photo

Patuloy na nakakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa Northern at Central Luzon.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, magdadala pa rin ang nasabing weather system ng makulimlim na panahon na may pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.

Asahan din aniya ang maaliwalas na panahon sa Ilocos region, CAR, at nalalabing parte ng Central Luzon ngunit maaring makaranas ng isolated light rains.

Shearline naman ang nagdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa mainland Cagayan, Isabela at Aurora.

Sa Mindanao, umiiral ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at umaabot ang ulang dulot nito sa Sorsogon, Eastern Visayas, Caraga at Davao region.

Sa Metro Manila naman kasama ang natitirang bahagi ng bansa, magiging maayos ang panahon ngunit posibleng makaranas ng mahinang pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Samantala, sinabi ni Clauren na walang nakikitang sama ng panahon na mabubuo sa loob ng bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Read more...