890 pang kaso ng COVID-19, napaulat sa Pilipinas
Mababa sa 1,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (November 24), pumalo na sa 2,828,660 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 17,864 o 0.6 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 890 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
53.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.8 porsyento ang asymptomatic; 21.39 porsyento ang moderate; 14.4 porsyento ang severe habang 6.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 200 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 47,682 o 1.69 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 1,710 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,763,114 o 97.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.