Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road widening sa Gov JJ Linao Road sa Pilar, Bataan.
Ayon sa kagawaran, makatutulong ito upang mapadali ng biyahe patungo sa iba’t ibang tourist destination sa naturang probinsya kasabay ng pagluluwag ng COVID-19 restrictions.
Pinangunahan ng DPWH Bataan Second District Engineering Office ang pagtatapos ng 1.8 kilometer portion ng national road.
Umabot sa P42.7 milyon ang inilaang pondo sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act (GAA) para sa 3.2-meter road widening project.
Nagpatupad din ang DPWH Bataan Second District Engineering Office ng pagpapabuti ng road shoulder, drainage canal, concrete slope protection, at maging ang guardrails at solar street lights para sa kaligtasan ng mga motorista.
Tiniyak ng DPWH na may mga karagdagan pang proyekto ang kagawaran para mapabuti ang pagbiyahe at masuportahan ang economic development ng Central Luzon.