COVID-19, unti-unti nang nagagapi ng Pilipinas – Duterte
By Chona Yu November 24, 2021 - 01:25 PM
Slowly but surely.
Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa ginagawang pagbabakuna kontra COVID-19 ng pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, nakatutuwa na unti-unting nagagapi ng bansa ang COVID-19 base na rin sa mga istatiska.
Katunayan, sinabi ng Pangulo na bumagsak sa 3.4 porsyento ang positivity rate noong Nobyembre 18 at 2.3 porsyento noong Nobyembre 23.
Sinabi pa ng Pangulo na nasa dalawang porsyento na lamang ang positivity rate sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.