P147.2B halaga ng ‘duplicate projects’ sa 2022 DPWH budget ibinuko ni Sen. Ping Lacson

SENATE PRIB PHOTO

Ibinahagi ni Senator Panfilo Lacson ang nadiskubre niyang P147.283 bilyong halaga ng ‘duplicate projects’ sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod na taon.

Sinabi nito ang mga nadobleng proyekto ay nasa ilalim lamang ng ‘Convergence and Special Support Program’ ng pondo ng DPWH.

“We note that under the program ‘Convergence and Special Support Program,’ there is apparent duplication of projects, particularly under the Sustainable Infrastructure Projects Alleviating Gaps (SIPAG) and Basic Infrastructure Program (BIP),” sabi nito.

Aniya dapat ay malinaw kung ano-anong mga proyekto ang nasa ilalim ng SIPAG at BIP.

Aniya ang mga nadobleng proyekto ay mga kalsada, anti-flood, multi purpose buildings at coastal causeways.

Sa kabuang aniya ang duplicate projects ay pinondohan ng P110.118 bilyon sa SIPAG at P37.164 bilyon naman sa BIP.

Read more...