Humingi na ng paumanhin kay Senate President Vicente Sotto III si Dominic Tajon, ang sales and marketing manager ng APO Production Unit ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na sinabi nahuli na umiinom ng alak sa pagdalo sa virtual Senate session noong Lunes ng gabi.
Sa kanyang sulat, itinanggi ni Tajon na alak ang kanyang ininom at aniya ito ay softdrink.
Dagdag pa niya, maaring napagkamalan na alak ang kanyang ininom dahil ang softdrink ay nasa baso na karaniwang pinaglalagyan ng alak.
Kaugnay naman sa pagsita sa kanyang paggalaw, paliwanag naman ni Tajon na kailangan niyang lumipat sa IPad dahil sa unang bahagi ng sesyon ay cellphone lamang ang kanyang gamit dahil siya ay nasa sasakyan.
“I could not have done such an unethical act knowing that I am participating in a session before the honorable Senate…I would not do such a reprehensible act during a plenary session,” paliwanag ni Tajon sa kanyang sulat.
Magugunita na pinuna ng ilang senador, partikular na nina Senate Minority Leader Frank Drilon at Sen. Sherwin Gatchalian, na noong oras na iyon ay ang presiding officer ng sesyon.