Sen. Bong Go umapila sa mga ‘unvaccinated’ na makiisa sa National Vaccination program
Para mabilis na maabot ang target na ‘herd immunity,’ umapila si Senator Christopher Go sa mga hindi pa nagpapabakuna ng COVID 19 vaccines na magpaturok na sa ikakasang tatlong araw na National Vaccination program.
Ikakasa ang programa sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 at target nito na makapagbakuna ng 15 milyong Filipino.
Pinuri ng namumuno sa Senate Committee on Health ang gobyerno sa paglulunsad ng naturang programa para marami pang Filipino ang may proteksyon laban sa nakakamatay na sakit.
“Marami pang parating na bakuna sa mga susunod na buwan kaya dapat iturok na kung ano ang mayroon sa mga natitirang essential at vulnerable sectors,” sabi nito.
At para mahikayat ang mga nasa pribado at pampublikong sektor na magpabakuna sa tatlong araw na pagkasa ng Bayanihan Bakunahan program, hindi ituturing na pagliban sa trabaho ang kanilang pagbakuna sa mga nabanggit na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.