Ikinatuwa ni Pangulong Duterte na higit tatlong milyong Filipino na may edad 12 hanggang 17 ang naturukan na ng pangontra sa COVID 19.
Ibinahagi din nito na 76.5 milyong doses na ang naiturok sa buong bansa sa 134.4 milyong doses na natanggap na ng bansa.
“Of this number, 41.9 million are given the first dose, while more than 33.5 million are given a second dose and single-dose shots,” sabi nito.
Sinimulan ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga menor de edad noong nakarang buwan.
Ang itinuturok sa mga ito ay mga bakuna na gawa ng Pfizer at Moderna.
MOST READ
LATEST STORIES