Kumalas na QC congressional candidate ibinuking ng Comelec

 

Pinagtibay ng Commission on Election (Comelec) na hindi residente ng Quezon City si 5th district congressional candidate Rose Nono Lin.

Bunga nito, hindi talaga maaring kumandidato sa anumang posisyon sa lungsod si Lin, na unang binawian ng Lakas-CMD ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA).

Isang Annalou Apelado ang kumuwestiyon sa pagiging residente ni Lin ng Quezon City sa Comelec District Election Registration Board.

Kabilang sa mga ebidensiya na ginamit laban kay Lin ang barangay certificate na nagsabing hindi siya residente ng 747 Quirino Highway sa Barangay San Bartolome.

Magugunita din na sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Commmitee, inamin na rin ni Lin na sandal lang siyang nanirahan sa naturang address.

Kayat matapos ang masusing pag-iimbestiga, naglabas ng resolusyon ang Comelec na nagsasabing nabigo si Lin sa voter residency requirement.

Pagdidiin din ng ahensiya ang transfer of title ng naturang bahay at lupa ay hindi sapat para patunayan na ang isang tao ay maituturing ng residente ng naturang address.

Si Lin ang chief financial officer ng Pharmally Biological, na kabilang sa iniimbestiagahan sa Senado ukol sa diumanoy overpriced COVID 19 supplies.

Read more...