Joel Villanueva, nauunahan pa ang ilang mga beteranong senador sa bilangan

By Jay Dones, Lara Babasa-trainee May 10, 2016 - 02:45 AM

 

Mula sa inquirer.net

Mistulang surpresa sa lahat ang lumalabas na mga unofficial results para sa 2016 senatorial race dahil sa pangunguna ng ilang mga personalidad na baguhan at pagbabalik ng ilang mga kilalang pulitiko sa puwesto.

Sa pinakahuling resulta ng partial unofficial results ng nakalipas na 2016 elections na matutunghayan sa Inquirer.net na Comelec-GMA mirror site ng nakaraang halalan, kapansin-pansin ang pangunguna ni ‘Tesdaman’ Joel Villanueva na nasa unang puwesto.

Naunahan pa nito sa kasalukuyan ang ilang mga datihan nang mga senador na sina Franklin Drilon, Tito Sotto at Ralph Recto.

Samantala, ilan naman sa nagbabalik na mga dating senador ang nasa top 12 ngayon na sina dating senador Panfilo Lacson, Richard Gordon, Francis Pangilinan at Juan Miguel Zubiri.

Narito ang partial unofficial results as of 1:59 AM, May 10, 2016:

  1. Emmanuel Joel Villanueva (16,689,513)
  2. Franklin Drillon (16,649,748)
  3. Vicente Sotto III (15,551,006)
  4. Panfilo Lacson (15,267,184)
  5. Richard Gordon (15,089,872)
  6. Juan Miguel Zubiri (14,392,748)
  7. Ana Theresia Hontiveros (14,341,958)
  8. Francis Pangilinan (14,235,390)
  9. Emmanuel Pacquiao (14,137,044)
  10. Sherwin Gatchalian (13,565,709)
  11. Ralph Recto (12,753,831)
  12. Leila De Lima (12,633,046)

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.