Chinese, Lebanese arestado sa magkahiwalay na operasyon ng BI

By Angellic Jordan November 23, 2021 - 02:23 PM

Nahuli ng mga elemento ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese at Lebanese sa magkahiwalay na operasyon sa Roxas City at Lapu-lapu City.

Iniulat ni BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr. na naaresto si Chen Chuishi, 35-anyos, sa labas ng kaniyang tirahan sa bahagi ng Barangay Tanque sa Roxas City.

Armado ng Mission Order na inilabas ni BI Commissioner Jaime Morente, hinuli ng intelligence operatives mula sa Region VI si Chen dahil sa pasong visa.

Sa kaparehong araw, naaresto rin ng BI intelligence operatives mula sa Region VII si Rabih El Acha Hassouneh, 43-anyos, sa isang restaurant sa Basak, Lapu-lapu City.

Naglabas ng mission order laban kay Hassouneh dahil napaulat ang pagtatrabaho nito nang walang tamang visa at dahil sa pagiging overstaying.

Huli sa akto ang dayuhan na naghahanda ng pagkain sa kaniyang mga customer, ngunit walang naipakitang immigration documents.

Mahaharap ang dalawang dayuhan sa kasong paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940.

Dadalhin ang mga dayuhan sa Maynila upang pansamantalang ikulong sa Warden Facility ng ahensyya sa Bicutan, Taguig City habang hinihintay ang kanilang deportation case.

TAGS: Chen Chuishi, InquirerNews, Rabih El Acha Hassouneh, RadyoInquirerNews, Chen Chuishi, InquirerNews, Rabih El Acha Hassouneh, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.