Marcos negatibo sa cocaine

By Chona Yu November 23, 2021 - 12:31 PM

Tinuldukan na ni presidential aspirant at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na siya ang tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit ng cocaine.

Ito ay dahil sa sumailalim si Marcos sa cocaine test at negatibo ang resulta.

Ayon kay Marcos, isinumite niya ang resulta ng kanyang cocaine test sa Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police at National Bureau of Investigation.

“I really don’t feel that I am the one being alluded to. In spite of that, I believe it is my inherent duty as an aspiring public official to assure my fellow Filipinos that I am against illegal drugs,” pahayag ni Marcos.

Hinimok pa ni Marcos ang mga kapwa kandidato sa pagka-pangulo na sumailalim din sa drug test para masiguro na walang lider sa bansa ang lulong sa ilegal na droga.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na isang presidential candidate ang gumagamit ng cocaine.

Sa mga sumunod na talumpati ng Pangulo, sinabi nito na isang weak leader si Marcos at walang nagawa.

 

TAGS: cocaine, drug test, Ferdinand Marcos Jr., news, PDEA, Radyo Inquirer, cocaine, drug test, Ferdinand Marcos Jr., news, PDEA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.