40,000 capsules na gamot kontra COVID-19 dumating na sa Manila

(Manila PIO)

Dumating na sa lungsod ng Maynila ang unang 40,000 capsules ng f Anti-Covid Drug na Molnupiravir.

Ayon kay presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno, idineliver ang gamot sa Sta. Ana Hospital kung saan mayroong sapat na storage facility para sa antiviral drug.

Nabatid na 50 porsyento na nakagagamot kontra COVID-19 ang Monupiravir.

Pinangunahan din ni Mayor Isko ang symbolic turn-over ng ilang kahon ng Molnupiravir sa Manila Covid 19 Field Hospital sa Luneta.

“We should always be ahead of Covid infections. We were the first to purchase Remdesivir and Tocilizumab. And now this wonder drug Molnupiravir, tayo din ang naunang bumili. I will continue to listen to science. I always listen to Doc Willie Ong when it comes to anti-covid drugs,” pahayag ni Mayor Isko.

Ayon kay Mayor Isko, malayo ang mararating ng 40,000 capsules ng Molnupiravir para mailigtas ang buhay ng isang tao hindi lamang sa mga residente ng Manila kundi maging sa buong bansa.

“Iisang bangka tayo. Dito sa Maynila, welcome ang lahat. Sa abot ng aming makakaya, handa kaming tumulong sa ibang nangangailangan ng mga life-saving drugs gaya ng Remdisivir at Tocilizumab na maraming natulungan sa ibang lugar sa labas ng syudad,” pahayag ni Mayor Isko.

Nabatid na ang running mate ni Mayor Isko na si Dr. Willie Ong ang nagrekomenda na bumili na ng Molnupiravir bilang gamot kontra COVID-19.

Available ang Molnupiravir (Molnarz) sa bansa matapos bigyan ng Compassionate Special Permit (CSP) ng Philippine Food and Drug Administration.

 

Read more...