P20 milyong halaga ng tulay sa Quezon bubuksan na

By Chona Yu November 23, 2021 - 10:19 AM

Simula bukas, Nobyembre 24, 2021 bukas na sa mga motorista ang dalawang tulay sa Quezon.

Pangungunahan ni Department of Agrarian Reform (DAR) Acting Secretary Bernie Cruz ang inagurasyon ng Bagupaye bridge project sa Mulanay at Malawmaw bridge project sa San Francisco.

Nagkakahalaga ang dalawang tulay ng P20 milyon.

Ayon kay Cruz, ang Bagupaye Bridge Project ay may 18.56 linear meters ang haba, 6.1 meters ang lapad, na may 190 metro approaches na magdudugtong sa barangay Bagupaye hanggang brgy. Anonang at Burgos sa Mulanay.

Ang Malawmaw bridge project ay 34.20 linear meters ang haba, 6.1 meters ang lapad, na may approach na magdudugtong sa barangay Pagsangahan hanggang brgy. Huyon-huyon sa San Francisco, Quezon.

Sinabi ni Cruz na ang mga tulay ay itinayo ng DAR sa pakikipagtulungan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga provincial at local government units (LGUs) ng Quezon sa ilalim ng Tulay ng Pangulo Para sa Kaunlarang Pang Agraryo (TPKP) program upang suportahan partikular ang mga agrarian reform beneficiaries ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

“Ang dalawang tulay ay may kabuuang halaga na PHP20-milyon na pinondohan sa pamamagitan ng foreign-assisted projects ng DAR,” pahayag ni Cruz.

Paliwanag ni Cruz na ang DPWH ang DAR partner implementing agency habang ang pamahalaang lokal ng Mulanay at San Francisco ang aalalay sa pamamahala, operasyon, at pagpapanatili ng mga tulay.

Sinabi ni  DAR-Quezon Provincial Agrarian Reform Program Officer II  Engr. Cornelo P. Villapando na humigit-kumulang 28,000 residente kabilang na ang mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) na nagsasaka ng may lawak na 14,200 ektaryang lupang agrikultural ang makikinabang sa dalawang proyekto.

Ang seremonya ng turn-over ng tulay ay pangungunahan ng DAR Quezon II provincial office, kasama ang DPWH, ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon at mga  kinatawan ng munisipyo ng Mulanay at San Francisco.

 

 

TAGS: Bagupaye bridge project, DAR, Malawmaw bridge project, mulanay, news, Quezon, Radyo Inquirer, San Francisco, Secretary Bernie Cruz, Bagupaye bridge project, DAR, Malawmaw bridge project, mulanay, news, Quezon, Radyo Inquirer, San Francisco, Secretary Bernie Cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.