
Nasa halos labinlimang milyon na ang botong natatanggap ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte o kabuuang 38.56% ng kabuuang bilang ng mga botante sa bansa.
Sa pinakahuling Inquirer Unofficial Result ng nakaraang eleksyon, as of 1:20 AM, umaabot na sa 14,296,434 na boto ang nakukuha ni Duterte o katumbas ng 38.56 ng kabuuang bilang ng boto na pumapasok sa Comelec-GMA mirror server.
Pangalawa naman si Mar Roxas na may 8,548,464 na boto o 23.05 %.
Nasa pangatlong puwesto naman ang nag-concede na si Senador Grace Poe na may 8,083,745 votes o 21.80%.
Nasa ikaapat na puwesto si Vice President Jejomar Binay na may 4,807,576 na boto o 12.97%
Panlima si Senador Miriam Defensor Santiago na nakakuha ng 1,320,446 na boto o 3.56%.
MOST READ
LATEST STORIES