VP Binay, irerespeto ang kahihinatnan ng eleksyon

By Jay Dones May 10, 2016 - 01:35 AM

 

Marc Jayson Cayabyab/Inquirer

Tuloy pa rin ang laban para kay Vice President Jejomar Binay.

Gayunman, naniniwala ang Pangalawang Pangulo na kailangan munang matapos ang proseso ng bilangan bago makilala ang tunay na panalo sa halalan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni VP Binay na kanyang nirerespeto ang demokratikong proseso at dapat igalang ang magiging resulta nito.

“I have repeatedly called for respecting institutions and the democratic process. Once the process is completed, we should always respect the outcome. We should all move towards healing and unity for our divided land.” Mensahe ni Vice President Jejomar Binay.

Kaninang hatinggabi, habang nagpapahayag na ng kanyang pag-concede si Senadora Grace Poe, si VP Binay ay nakipagkita naman sa kanyang mga ka-brod sa Alpha Phi Omega (APO) fraternity.

Nakipagkaisang-kamay si Binay sa mga miyembro ng APO na naghihintay s akanya sa New Horizon hotel kung saan sila nagsagawa ng closed-door meeting kasama ang mga opisyal ng United Nationalist Alliance.

Nakasama rin ni VP Binay ang kanyang mga anak na sina dating Makati Mayor Junjun Binay at Senador Nancy Binay.

Ilan sa mga miyembro ng fraternity ay kapansin-pansin ang kalungkutan at ang ilan ay emosyonal sa kasagsagan ng kanilang pagsasama-sama.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.