Oil price cut, epektibo ngayong araw

By Jay Dones, Lara Babasa-trainee May 10, 2016 - 12:19 AM

 

PHILIPPINES-CHINA-DIPLOMACY-MARITIME-OILMagbabawas ng presyo ng kanilang produktong petrolyo ang ilang mga kumpanya ng langis epektibo ngayong umaga, Martes.

Ayon sa kanilang advisory, epektibo kaninang 12:01 am, nagroll-back ng .30 centavos per liter sa kanilang gasolina ang kumpanyang Petron.

0.20 centavos naman ang bawas sa kada litro ng diesel at 40 centavos per liter ang kerosene.

Samantala, epektibo alas 6:00 ng umaga,  magro-roll back din ng kahalintulad na presyo ng mga produktong petrolyo ang kumpanyang Shell.

Wala pa namang abiso ang iba pang kumpanya ng langis sa kanilang rollback sa kasalukuyan.

Simula ngayong taong ito, umaabot na sa P1.90 ang itinaas sa presyo ng gasolina samantalang P3.50 naman ang naidagdag sa presyo ng kada litro ng diesel.

Ang paggalaw pa rin ng presyo ng langis sa international market ang dahilan ng pinakahuling oil price cut dito sa bansa.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.