Unang 8-car trainset para sa PNR Clark Phase 1, dumating na sa bansa

By Angellic Jordan November 22, 2021 - 04:00 PM

DOTr photo

Dumating na sa bansa ang unang 8-car trainset para sa PNR Clark Phase 1 (Malolos-Clark), ang magkokonekta sa Malolos, Bulacan at Tutuban, Manila.

Bahagi ito ng 13 trainsets na binili ng Department of Transportation (DOTr) mula sa Japan Transport Engineering Company at Sumitomo Corporation.

Dadaan ang trainset sa custom clearances at oras na maging cleared, agad itong dadalhin sa Malanday Depot sa Valenzuela sa Disyembre.

Bago ipinadala sa bansa, dumaan ang trainset sa Factory Acceptance Test sa J-TREC Factory sa Japan.

Inaasahan namang darating sa bansa ang pangalawang trainset sa 2nd quarter ng 2022.

Oras na maging operational ang PNR Clark Phase 1, magiging 35 minuto na lamang ang biyahe sa pagitan ng Malolos at Tutuban.

TAGS: Build Build Build program, DOTrPH, InquirerNews, NewTrainset, PNRClarkPhase1, RadyoInquirerNews, Build Build Build program, DOTrPH, InquirerNews, NewTrainset, PNRClarkPhase1, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.