Suspek sa paghagis ng bato sa isang tren ng MRT-3, hawak na ng pulisya

By Angellic Jordan November 22, 2021 - 02:49 PM
Photo credit: DOTr Sec. Art Tugade/Facebook

Hawak na ng Pasay City police ang suspek sa paghagis ng bato sa isang tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Binato ang tren ng MRT-3 dakong 6:51, Linggo ng umaga (November 21), dahilan kaya nasira ang bintana nito at nasugatan ang isang pasahero.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, nakilala ng pulisya ang suspek na si Lester Rodriguez, 29-anyos.

Nahuli si Rodriguez sa Pasay City bandang 9:00, Linggo ng gabi.

Sa ngayon, nakakulong si Rodriguez at iniimbestigahan sa Pasay City Substation 4.

Sinabi ng pulisya na tinukoy ng dalawang nakasaksi sa insidente na si Rodriguez ang naghagis ng bato sa tren.

Magsasampa ng mga reklamo ang pamunuan ng MRT-3 laban kay Rodriguez, kabilang ang isa pa dahil sa malisyosong kalokohan.

TAGS: BinatoAngMRT3, DOTrPH, InquirerNews, RadyoInquirerNews, BinatoAngMRT3, DOTrPH, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.