Poe nag-concede na

By Erwin Aguilon, Jay Dones May 10, 2016 - 12:31 AM

 

Nag-concede na si Senador Grace Poe sa pampanguluhang halalan.

Sa isang press conference ngayong gabi lamang, idineklara na ng senadora ang kanyang pagsuko sa pampanguluhang halalan.

“…Lumaban kami ng malinis at patas. Matutulog ako ngayong gabi na may malinis na konsensya…Ginawa natin ang lahat ng ating makakaya. Ako si Grace Poe at ako ay nagbibigay daan kay Mayor Rody Duterte na siyang pinili ng demokrasyang Pilipino. Hindi ito pagsuko kundi pagkilala sa pinili ng taong bayan. Salamat po sa lahat ng sumuporta sa aking kampanya. Maraming salamat po.” Mensahe ng senadora.

Giit pa ni Poe, kanyang iginagalang ang resulta ng nakaraang botohan at ipinapangako ang pakikiisa sa paghilom ng bansa tungo sa pag-unlad ng bayan.

Ang kanyang pag-concede aniya ay kanyang ipinarating na sa kanyang running-mate na si Senador Franchis Escudero.

Kasabay rin aniya ng pag-concede ni Poe, kinumpirma rin ng senadora na kanyang tinawagan na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nangunguna ngayon sa presidential race upang ito ay  i-congratulate.

Bago ang press conference ni Poe, kinumpirma ni mayor Duterte na tinawagan siya ng senadora upang siya ay i-vcongratulate dahil sa malaking lamang sa pinakahuling resulta ng partial unofficial results ng eleksyon.

Sa pinakahuling tally ng partial unofficial results ng nakalipas na botohan, nasa ikatlong puwesto si Poe.

Nangunguna pa rin si Duterte samantalang nasa ikalawang puwesto ang standard bearer ng Liberal Party na si Mar Roxas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.