Service contracting program dapat ikasa sa lahat ng PUV drivers, operators – Sen. Risa Hontiveros

By Jan Escosio November 22, 2021 - 01:03 PM

Hinimok ni Senator Risa Hontiveros ang Department of Transportation (DOTr) na maisama sa service contracting program ang lahat ng mga drivers at operators na hindi pa napapabilang sa PUV Modernization Program.

“Sinusuportahan ko ang paglalagay ng malaking budget para sa service contracting program ng LTFRB. Pero inaalala ko na baka i-discriminate o hindi isali ang mga tsuper na hindi pa kabilang sa PUV modernization program ng gobyerno,” sabi ni Hontiveros sa deliberasyon ng 2022 budget ng DOTr sa Senado.

Diin niya, ang programa ay hindi lang dapat para sa mga mayroon ng modern jeepneys at aniya halos 50 porsiyento pa ng jeepney at UV operators ang hindi na sumasali sa modernization program dahil sa ibat-ibang kadahilanan sa implementasyon.

Kabilang na sa mga dahilan ay ang mataas na presyo ng modern jeepneys gayung may limitasyon pa rin sa kapasidad dahil sa pandemya at dagdag pa ang mataas na halaga ng krudo.

“Baon na sa utang ang mga drivers at ang mga kooperatiba naman ay natural na pag-aralan pa ang pagpapa-utang sa kanilang mga miyembro. Hindi natin sila masisisi kung hanggang ngayon, hindi pa rin sila makausad,” dagdag pa ni Hontiveros.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.