Masusundan bukas, araw ng Martes, ang bawas-presyo sa mga produktong-petrolyo.
Ang Shell, Total at Seaoil, PTT ay nag-anunsiyo na P0.85 kada litro ang ibababa ng presyo ng kanilang gasolina at P1.20 naman sa kada litro ng krudo.
Samantala, ang kanilang inilalako na kerosene ay mababawasan ng P1.30 kada litro ang halaga.
Ang bawas-presyo sa mga nabanggit na produktong petrolyo ay magsisimula ala-6 ng umaga bukas.
Inaasahan na susunod sa naturang hakbang ang iba pang mga kompaniya ng langis.
Bumaba ang halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan dahil sa inaasahang pagdaragdag ng suplay mula sa US at China.
MOST READ
LATEST STORIES