Inihirit ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na payagan ang pribadong sektor na maibigay na booster shots ang binili nilang COVID 19 vaccines.
Ayon kay Concepcion iniapila na niya ito sa gobyerno at aniya ang binili naman ng mga pribadong kompaniya ay Pfizer, AstraZeneca at Moderna COVID 19 vaccines, na maaring maibigay na booster shots ayon na rin sa Food and Drug Administration (FDA).
Nabanggit niya maraming pribadong empleado ang naturukan ng Sinovac vaccines.
Ipinanukala din niya na ang pagbibigay ng third dose ay dapat buksan sa publiko at magtalaga na lamang ng special lanes para medical frontliners, senior citizens at persons with comorbidity.
“We should allow the public to also get inoculated and just have fast lanes for the A1 to A3 so we get the entire population moving. We should not wait for the sequencing anymore. Let’s just allow everybody and grant fast lanes,” sabi nito sa isang panayam sa telebisyon.