Fully vaccinated Filipinos nasa 33.3M na – DOH

Inanunsiyo ng Department of Health na umaabot na sa 33.3 milyon ang Filipino na nakatanggap na ng dalawang doses ng COVID 19 vaccine.

Sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire ang bilang ay 39 porsiyento ng 84 milyong Filipino na maari nang bakunahan ng proteksyon kontra COVID 19.

Sa Nobyembre 29 isasagawa ng gobyerno ang tatlong araw na ‘Bayanihan, Bakunahan’ upang mapabilis ang pagbabakuna sa mamamayan.

“Kaya natin ito ginagawa para maitaas pa ho natin ang fully vaccinated sa ating bansa bago man lang mag-Pasko, bago mag-holiday season. So, that’s our real target–those who are not yet vaccinated,” aniya.

Target ng DOH na maturukan ng kanilang 1st dose sa tatlong araw ang 15 milyon Filipino.

Ngunit paglilinaw ng tagapagsalita ng DOH na pinag-uusapan pa kung maaring magbigay ng ‘third dose’ o booster shots sa tatlong araw ng malawakang bakunahan.

”Ito po ang pinaguusapan sa ngayon ano, if we are going to also have booster shots during this National Vaccination Day. Magbibigay po tayo ng anunsyo kung itutuloy po natin itong booster vaccination during these three days po,” dagdag pa ni Vergeire.

Read more...