Supply ships patungo sa Ayungin Shoal umalis na ng Palawan
Ibinahagi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpadala na muli ng supply ships patungo sa Ayungin Shoal para sa mga pangangailangan ng mga tauhan ng Philippine Marines na nagbabantay sa BRP Sierra Madre.
Ayon kay Lorenzana umalis na ng Oyster Bay sa Palawan ang supply ships at inaasahan na makakarating ito sa Ayungin Shoal bukas ng umaga.
Sinabi nito na tiniyak sa kanya ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na hindi na mauulit ang insidente noong nakaraang taon nang itaboy sa pamamagitan ng paggamit ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang dalawang supply ships.
Aniya nakiusap lang si Huang na walang escort ships sa ipinadalang supply ships.
Pagtitiyak lang niya na magiging regular ang komunikasyon ng dalawang supply ships sa AFP at magpapadala din ng isang Navy plane kapag dumating na ang mga ito sa Ayungin Shoal para mag-obserba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.