Aabot sa 1,474 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH) nasa 2,824,499 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng naturang sakit.
Sa naturang bilang, 22,070 ang aktibong kaso.
Nasa 58.1% ang mild, 4.1% ang asymptomatic, 20.02% ang moderate, 12.5% ang severe, at 5.3% ang critical condition.
Nasa 205 naman ang bilang ng mga nasawi.
Sa kabuuan, nasa 46,903 ang nasawi.
MOST READ
LATEST STORIES