COVID-19 booster shots sa mga paalis na OFW aprub na ng IATF

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force ang pagbibigay ng booster shots kontra COVID-19 para sa mga paalis na overseas Filipino workers (OFW).

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., bibigyan ng booster shots ang mga OFW na ide-deploy sa ibang bansa sa loob ng apat na buwan.

Sa ganitong paraan, sinabi ni Galvez na magkakaroon ang mga OFW ng competitive advantage sa ibang bansa.

Ayon kay Galvez, sunod na bibigyan ng booster shots ang mga matatanda na may comorbidities.

Matatandaan na noong Nobyembre 17, nagsimula na ang pagbibigay ng booster shots sa mga health workers.

 

Read more...