Nag-reach out sa kanyang mga kalaban si Presidential frontrunner Davao City Mayor Rodirgo Duterte at sinabi nito na gusto na niyang simulan ang healing.
“Let us be friends. Forget about the travails of elections,” pahayag ni Duterte sa kanyang mga kalaban matapos siyang bumoto.
“I would like to reach out my hands to my opponents. Let us begin the healing now,” paghihimok ni Duterte sa kanyang mga kalaban sa press conference sa Royal Mandaya Hotel.
Ayon kay Duterte, naging nainit ang nakalipas na mga araw ng election period dahil sa black propaganda at mga akusasyon ng mga kandidato sa bawat isa.
Umaasa ang Alkalde na siya ang magiging sunod na pangulo pero kailangan daw niyang hintayin ang resulta ng eleksyon. “I ain’t there until i am there,” dagdag ni Duterte.
Sinabi ng Alkalde na mula nang tumakbo siya sa public office ay hindi pa siya nakaranas ng pagkatalo. Ito na anya ang kanyang 11th election sa kanyang buhay at hindi pa siya natalo. Siguro anya sa ngayon ay kaloob ito ng diyos.
Kung manalo umano si Duterte ay gagawain niya ang kanyang trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.