Sinuspendi ng International Criminal Court ang imebstigasyon sa anti-drug war campaign Pangulong Rodrigo Duterte.
Itinigil ng ICC ang pagsisiyasat matapos pagbigyan ang hiling ng pamahalaan ng Pilipinas na huwag munang ituloy ang pagdinig sa kasong crimes against humanity laban sa Pangulo.
Nabatid na ipinaalam na ng Office of the Prosecutor ng ICC sa Pre-Trial Chamber na suspendido muna ang imbestigasyon habang ginagawa ang assessment sa scope and effect ng kaso.
Tuloy din ang ICC sa pagsuri sa mga impormasyong hawak nila at sa mga parating pa mula sa third party.
Una nang hiniling ng embahada ng Pilipinas sa The Hague, Netherlands na itigil na ang imbestigasyon para bigyang daan ang domestic efforts ng Pilipinas na busisiin ang naturang krimen.
Kinasuhan si Pangulong Duterte sa ICC ng crimes against humanity dahil nauwi na umano sa human rights violation ang anti-drug war campaign nito.