Uniform guidelines sa pagpasyal ng mga bata ilalabas ng Metro Manila Council
Nagkasundo ang 17 alkalde sa Metro Manila na magpalabas ng uniform guideline ukol sa pagpasyal ng mga bata sa mga shoppings malls at mga katulad na establismento.
Ito ang sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, na siya rin nagsisilbing chairman ng Metro Manila Council (MMC).
Ayon kay Olivarez nagpulong ang mga alkalde kahapon at napagkasunduan na idulog sa Inter Agency Task Force (IATF) ang guidelines para sa pagpasyal ng mga may edad 12 pababa.
Inaasahan na sa mga darating na araw ay ilalabas na ang guideline.
Una nang nagpalabas ng Executive Order si Olivarez na nagsasabing ang mga edad 12 hanggang 17 ay maaring pumasok sa shoppings malls basta kasama ang kanilang mga magulang o guardian na fully vaccinated.
Aniya inilabas niya ang kautusan base sa direktiba ni Pangulong Duterte na magpasa ng ordinansa o resolusyon ang mga lokal na pamahalaan kaugnay sa paglabas o pamamasyal ng mga menor de edad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.