Halos 1,500 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa

Halos 1,500 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (November 19), pumalo na sa 2,823,210 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 23,200 o 0.8 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,485 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

59.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.8 porsyento ang asymptomatic; 19.56 porsyento ang moderate; 12.0 porsyento ang severe habang 5.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 277 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 46,698 o 1.65 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 1,393 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,753,312 o 97.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...