Mga employer, binigyan ng opsyon ukol sa pagsusuot ng face shield sa mga manggagawa

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Binibigyan ng Palsyo ng Malakanyang ng opsyon ang mga employer at mga establisyemento kung ire-require ang pagsusuot ng face shield ng kanilang mga manggagawa o iba pang indibidwal.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, maaring i-require ng mga employer ang mga empleyado nila na mag-face shield sa kanilang workplace at maari ring i-require ng private establishments ang mga customer nila na mag-face shield.

Una rito, inanunsyo na ng Palasyo na hindi na obligado ang paggamit ng face shield sa mga lugar na nasa Alert Level 1 hanggang 3.

Matatandaang umani ng batikos ang paggamit ng face shield dahil wala namang scientific study na mabisa itong proteksyon laban sa COVID-19.

Read more...