Binay hindi natatakot makulong kapag natalo sa Presidential poll

By Len Montaño May 09, 2016 - 05:09 PM
binay-0316Hindi natatakot si Vice President Jejomar Binay sa banta na siya ay makulong kapag natalo siya sa pagkandidato bilang Pangulo. Matapos ang pagboto ni Binay sa San Antonio National High School ay sinabi ng anak nito na si dating Makati Mayor Junjun Binay na hindi nababahala ang ama sa jail threat. Ayon kay Junjun, hindi natatakot ang ama dahil walang basehan ang mga alegasyon ng kurapsyon sa Pangalawang Pangulo. Nakulong na anya dati ang ama noong ito ay human rights lawyer sa panahon ng martial law. “It’s all part of the campaign to smear the name of my father and the rest of my family. kung kulong lang, hindi kayang takutin ang tatay ko. maraming beses nakulong tatay ko nung martial law. nung high school ako, nakulong father ko for a case that was politically motivated,” pahayag ni Junjun Binay. Dagdag ng nakakabatang Binay, tumakbong Presidente ang ama hindi para maging immune sa posibleng corruption charges laban sa kanya oras na mawala na ang kanyang immunity pagkatapos ng kanyang termino bilang Bise Presidente.

TAGS: Election 2016, Jejomar Binay, Junjun Binay, Election 2016, Jejomar Binay, Junjun Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.