Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 256.34 milyon

By Angellic Jordan November 19, 2021 - 02:15 PM

Reuters photo

Pumalo na sa 256.34 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 256,348,897 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 48,398,455 cases.

Sumunod na rito ang India na may 34,489,623 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 21,989,962 naman ang kaso sa Brazil habang 9,721,916 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 9,219,912
– Turkey – 8,503,220
– France – 7,351,324
– Iran – 6,063,775
– Argentina – 5,312,089
– Germany – 5,233,821
– Spain – 5,074,027
– Colombia – 5,040,665

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,147,163 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 231,550,769 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

TAGS: BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews, BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.