Build, Build, Build program, tulong-pangkabuhayan magpapatuloy sa administrasyong-Bong Go
Humarap si Senator Christopher Go sa presidential forum ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), ang pinakamalaking grupo ng mga negosyante sa bansa.
Inilatag ni Go ang kanyang mga planong pang-ekonomiya at aniya ito ay sasandig sa prinsipyong, ‘Serbisyong May Tapang at Malasakit,’ na layon ipagpatuloy at palakasin ang mga programa ng administrasyong-Duterte.
Binanggit nito ang ‘Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso,’ ang programang nagbibigay tulong sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) na labis na naapektuhan ng pandemya.
Diin niya nais niyang makabangon ang mga negosyo na pinadapa ng kasaluikuyang krisis pangkalusugan.
Aniya kailangan na maipagpatuloy ang ‘Build, Build. Build’ program sa paniniwala na ito ang isa sa magiging daan para sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Sinabi din nito na sa mga negosyante na patuloy siyang makikkipagtulungan sa pribadong sektor, pagbubutihin ang tax collection system, gayundin ang masinop na paghawak ng pera ng bayan.
Hindi rin aniya dapat kalimutan ang mga nasa sektor ng agrikultura .
Dagdag pa ni Go, suportado niya ang digital transformation at ang E-Goveranance Act, kasabay nito ang pagpapalawak ng libreng de-kalidad na edukasyon at pagsasanay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.