Lumipat sa private schools mula public schools dumami – DepEd
By Jan Escosio November 19, 2021 - 10:23 AM
Mas marami ang lumipat sa private schools mula sa public schools ngayon school year 2021-2022, ayon sa Department of Education (DepEd).
Sa datos ng kagawaran, 612,140 mag-aaral ang lumipat sa mga pribadong paaralan mula sa mga pampublikong paaralan.
Samantala, may 305,513 mag-aaral naman mula sa private schools ang pinili na mag-aral sa public schools.
Ang datos ay kabaligtaran ng nangyari noong nakaraang taon kung kailan dumagsa ang mga lumipat sa mga pampublikong paaralan.
Kasabay nito, inanunsiyo din ng DepEd na ngayon School Year 2021-2022, may 27,232,095 ang nagpa-enroll.
Ito ay mataas ng 3.83 porsiyento o 1,005,073 kumpara sa naitala noong 2020.
Nabatid na hindi pa pinal ang numero dahil may 520 eskuwelahan ang hindi pa nakakapagsumite ng kanilang final enrollment profile.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.