Dakong 3:30 ng hapon nang dumating si Duterte sa kanyang polling precinct na ilang metro lang ang layo mula sa gate ng eskwelahan. Si Duterte ang huling kandidato sa pagka-Pangulo na bumoto matapos ang pagboto sa umaga ng mga kapwa Presidentiables.
Ayon sa Executive Assistant ng Alkalde na si Bong Go, okay ang mood at relaxed si Duterte. Nagpahinga lang anya sa umaga si Duterte kaya sa hapon na ito bumoto.
Naging mahigpit naman ang seguridad habang lumalakad si Duterte papasok sa kanyang bobotohan. Ilang minuto lang ang itinagal nito sa polling precinct saka ito umalis ng eskwelahan sa gitna ng pagdumog ng kanyang mga supporters.