Mga Smartmatic personnel, naka-check in sa Novotel ayon sa Comelec
Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na may mga personnel ng Smartmatic, ang automation provider para sa 2016 elections, na kasalukuyang naka-billet o nag-stay sa Novotel sa Cubao, Quezon City.
Inanunsyo ito ni Bautista kasunod ng ulat ng ilang watchdog organizations na ilang Vote Counting Machines (VCMS) ang umanoy nakita sa Novotel na nasa Araneta Center na pag-aari ng pambato ng administrasyon na si Mar Roxas.
Pero ayon kay Bautista, naka-stay sa hotel ang Smartmatic personell sa nakalipas na dalawang araw pa dahil ang trabaho nila ay nasa Araneta Avenue.
Itinanggi anya ng Smartmatic na nagtatago sila ng mga VCMS sa Novotel. “Kinausap ko na ang Smartmatic na merong alegasyon na nagtatago raw ng VCMS at sabi nila hindi raw ‘yan totoo at isang kasinungalingan,” ani bautista.
Personal na sinuri ni bautista ang mga kwarto ng Smartmatic personnel sa Novotel kasama ang mga kinatawan ng PPCRV, Kontra Daya, Liberal Party at PDP-Laban. Unang sinabi ng PPCRV na ayon sa kanilang volunteers, ilang VCMS ang nakita sa pitong kwarto sa seventh floor ng Novotel Hotel.
Itinanggi naman ng tagapagsalita ng LP na si Representative Ibarra Gutierrez ang ulat na may mga VCMS sa Novotel. “First of all, the Comelec has fully accounted for all VCMS, each of which has a unique id that allows the Comelec to know where it is. This means it is impossible for anyone to misplace these machines,” pahayag ni Gutierrez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.